Ang buhay ng isang OFW ay hindi madali. hindi puro saya, hindi puro tawa kadalasan pa nga ay panay luha.
luha ng lungkot, lungkot sa pangugulila, pangungulila sa pamilya.
I considered myself as an OFW at the age of 19. It was my Internship sa Singapore. i had a mix emotions back then bago pa dumampi ang mga paa ko sa Changi Airport. I felt i'm lucky to be given this kind of opportunity and at the same time i felt so sad, sabi nga nila ang isip ang pinaka powerful part ng ating body. dahil naiisip ko palang na malalayo ako sa pamilya ko, i felt homesick na kaagad.
Since birth noon lang ako malalayo sa pamilya ko ng bongga. I travelled with my schoolmates and my bestfriends, but it's not enough for me not to feel the "homesick". Lumipad ako papuntang Singapore na dala ang Lakas ng Loob kasama ng mga damit ko. Ang bahay na tinutuluyan namin noon ay sobrang liit na kapag kaming apat ay tumayo walang ng space. mahirap ang buhay, hindi madali. mahirap makisama sa ibang lahi, hindi maiiwasan ang maliitin ka o awayin ng mga ibang lahi. hindi mo maiiwasang hindi maiyak sa tindi ng sama ng loob na nararanasan mo.
Pero ang Pinoy, hindi nagpapatalo. madapa man tayo pilit parin tayong bumabangon. Hindi susuko, lalaban tayo. tayong mga Pinoy ay maabilidad, madiskarte sa buhay at higit sa lahat ay maparaan kahit pa tila tayo ay dumadaan sa butas ng karayum.
Nakakalungkot lang minsan isipin na ang mga naiwan na kamag-anak o minsan mga kaibigan sa Pinas, akala nila na nagpapasarap tayo sa buhay. yung ibang pinoy naaawa ako kasi mismo ang mga kamag anak nila ang akala ay nagtatae sila ng pera, kung makahingi WAGAS. tila ba ang nasa isip nila na MILYONARYO ang mga OFW, ni hindi ata nila naiisip ang mga gastusin at hirap ng isang OFW. may mga iba naman, pag umuwi ng bansa ang isang OFW nag susulputan ang mga kaibigan na sa totoo lang mukhang nakakalimutan na sila nung nasa ibang bansa siya, yung tipong may moment sa buhay ng isang OFW ng kailangan nya ng kaibigan ngunit wala siyang mahanap pero ng umuwi parang mga kabute na nag susulputan. minsan nga pati ang mga kaaway nagiging automatic ang kaibigan. Hindi ba nila naisip na ang mga OFW na ito ay maaring natanggal sa trabaho at wala ng natitirang pera? kung mag pa libre pa WAGAS, kung mangutang kala mo kung sino mabait pero pag usapang bayaran na NAWAWALA na.
Sana, maintindihan ng bawat Pinoy sa hindi kami nagpapakasasa sa pera, hindi kami ngapapakahirap para manlibre ng isang buong bayan. hindi kami kumikita ng milyon kada buwan. kailangan din namin mabuhay sa ibang bayan na pinagtratrabahuhan namin. Sana, maiba na ang pananaw ng mga Pinoy sa mga OFW. gumising sana lahat sa katotohanan, sa realidad ng buhay. Na kaya nag O-OFW ay dahil katulad ng nakakarami satin, gusto guminhawa ang buhay.
No comments:
Post a Comment