HAHAHA. Ang nakakaasar sa akin ay mahina na nga ako sa salitang banyaga mahina rin ako sa atin sariling wika. ang tinutukoy ko ay ang malalim na wikang Tagalog. PANGKATAGALUGAN.
Habang tinitipa ko ito, ako'y nakikipagtalakayan sa aking kaibigan na si Jiggo. ako ay nanghihingi ng Inspirasyon o Ideya kung ano ba ang maaring gawin kong paksa dito. marami naman siyang naimungkahi. ngunit lahat ng kanyang mungkahi ay hindi ko alam. Maganda ang kanyang mungkahi ngunit wala akong alam.
Ang una nyang minungkahi ay ang tungkol sa mga bagay na nauuso ngayon, mga teknolohiya. maganda ang kanyang mungkahi ngunit wala akong alam sa ganitong paksa. Hindi kasi ako maka bagay na nauuso dahil sa teknolohiya. Sa katunayan nga ang aking makabagong teleponong walang kordon ay hindi ang naayon sa panahon na ito, yung bang tinatawag nila matalinong telepono kung saan ang usong-uso ay ang ako-telepono. matagal ko ng pangarap magkaroon ng ako-telepono ngunit datapwat hindi umaayon ang aking kabiyak sapagkat ito ay nakakabutas ng bulsa. hindi naman kami mahirap ngunit marami lang talagang mga bagay na dapat unahin katulad ng bayad sa kuryente at bayad sa kahong may umaandar o umaarteng tao.
Ang pangalawang paksa ay tungkol naman sa mga pook na maaring puntahan. mga pook na usong uso sa mga tao para mawala ang pagod at magliwaliw. ang problema sa akin ay hindi ako pala labas ng aming bahay dahil sa mga rason na ito
Una. sa tindi ng init dito sa aking tinutuluyan, hindi ko nanaisin mag liwaliw sa labas dahil ayoko matusta, ayokong abutan ako ng aking kabiyak na isa na akong inihaw na malusog na pusa, natatakot ako baka gawin akong ulam ng aking kabiyak.
Dwi: Ano ang ating pagkain ngayong gabi?
Ako : .....
Dwi : aba, mukhang masarap itong relyenong inihaw na malusog na pusa.
Pangalawa. wala kaming masyadong salapi para pumunta sa magagandang pook. gustuhin man namin ngunit kami ay nanghihinayang sa iwawaldas naming salapi, dahil ang salaping hawak namin ay sakto lang sa mga bagay bagay na importante sa pang araw-araw naming buhay.
Ang pangatlong minukahi ng aking kaibigan na si Jiggo ay tungkol sa mga ala-ala ng aking kabataan, ala-ala noong ako ay nag aaral pa lamang sa unibersidad. wala akong maibabahagi sa inyo dahil hindi naman makasaysayan ang aking pagkatao noon. Isa lamang akong normal na mag aaral na paminsan minsan ay umaarte sa entablado. kung hindi man ako umaarte sa entablado ako naman ay sumasama sa aking mga taong kasundo upang magpalipas ng oras. para humalakhak at mapawi ang lumbay.
Habang tinitipa ko ito, ako ay nahihirapan sa salitang ginagamit ko, sa panahon kasing ito ang mga kabataang Pilipino ay kadalasang magkahalo ng salitang banyaga at sariling wika. kaya ang pagsasalita ko ng purong Tagalog ay kasing tumbas ng hirap ng pagsasalita ng purong salitang banyaga. Iisa lamang ang resulta ng pagsasalita ng puro. kundi dumugo ang ilong
Ito ang tinatawag na dugo ang ilong.
Sa katunayan, napakahapdi ng aking ilong sapagkat isang maanghang na sawsawan na gawa mula sa kamatis ang aking ginamit.
eww.. yong ilong marami kulangot..hahaha
ReplyDeleteHindi yan kulangot. kelan pa nagkaroon ng kulangot na pula?
ReplyDelete