Monday, September 3, 2012

Let's Talk Kitty Talk : Ang Byenan, Bow.

NOTE : This Blog entry will be more on tagalog or Taglish for security reason :)


     Para sa isang babae, pag pinangakuan ka ng kasal ng lalake sa lahat ng simbahan. NAKAKATUWA yun! Nakakataba ng puso. yung feeling mo prinsesa ang peg mo. pero when it comes to reality, hindi pala siya ganun kasaya. nakakapagod, nakaka stress at parang may parte ng buhay mo na hindi uusad hanggat hindi natatapos ang mga paparating na kasal. 

     Hindi ko alam kung swerte ba ako o hindi sa kalagayan ko ngayon. Tatlong beses kasi ako ikakasal sa iisang lalake. Una ako ikinasal noon 2011 dito sa Singapore. yun yung civil wedding sa atin sa Pinas. Para sa akin kasal sa batas ang isa sa pinaka importante, Legality. at Ikakasal ulit ako sa taong 2013 sa simbahan, kung saan para sa akin ay Pinaka importante sa lahat. ang makasal sa mata ng Diyos. 

     Sa kagitnaan ng preparasyon namin ni Dwi para sa kasal namin sa Pinas na pag desisyonan namin na wala na kaming isa pang kasal dito sa Singapore dahil hindi na namin kaya in terms of "pera" and "oras". Isang mutual na desisyon ang ginawa namin sapagkat hindi narin naman namin makita ang "purpose" ng paghahanda pa ng hapunan dito. Ang kasal na tinutukoy ko ay ang naka ugalian dito sa bansa nila na unti unti ng nawawala dahil siguro napagtanto din ng mga bagong kasal sa henerasyon na ito na wala na din naman talagang matibay na dahilan para pa ituloy. Ang Kasal na ito ay parang "reception" lang. Kainan, nag gagandahang damit, reception lang talaga. Sabi ni Dwi ang "purpose" ng ganitong Kasal ay para i announ ce sa mga tao na kasal na kayo. Noong unang panahon ang mga taong may "kaya" lang ang gumagawa nito. Sa hirap ng buhay ngayon mas nanaisin na namin maging praktikal.

    Nakapag desisyon na kami, kampante na kami. Pinaninidigan na ni Dwi. Ngunit ang kanyang mga magulang ay tutol sa desisyon na ito. Sila na daw ang gagastos magkaroon lang kami ng "Kainan" dito. Nakakatuwa na may mga magulang na handang gawin ang lahat para sa anak, ngunit hindi ito basta basta na "offer" kasi kung "offer" to may option ka na pwede mong tanggapin o tanggihan. etong klaseng pag alok ay yung tipong hindi mo pwedeng tanggihan sapagkat na kapag desisyon na sila para sa amin, kung saan nakakainis kasi hindi nila kayang tanggapin at respetuhin nalang ang desisyon namin mag asawa.  Imbes na tanungin ka kung nakapag desisyon na ba ulit kami, ang tanong ay "ilang lamesa ang kukunin natin".

     Alam ko, dapat respetuhin ang magulang; magulang yan eh. pero kung alam mo ng ang anak mo ay may sarili ng pamilya na binubuo sana bilang isang magulang alam mo na din kung hanggang saan nalang ang limitasyon mo., hindi na katulad dati na maari kang maghimasok at mag desisyon para sa anak mo. Iba na kasi ngayon. Naiintindihan ko naman ang magulang ng asawa ko, kailangan nilang mag pakita ng mukha sa mga tao, dahil siguro narin sa kompetisyon sa pamilya nila, dahil narin sa estado ng pamilya nila. pero sana naisip nila na hindi sila ang panunahing paksa sa isyu na ito, kundi Kami. 

    Ewan ko, siguro masyado lang ako independent, iba lang siguro ang kultura ko, iba lang siguro ang pagpapalaki ng magulang ko sakin. ang turo kasi sa akin ng nanay ko eh, kung may bagay kang gustong gusto at kulang ang pera mo wag mo ipilit ang sarili mo, bagkus pag ipunan mo. Wag kang aasa sa iba para lang sa luho mo sa mga bagay na hindi mo naman kailangan talaga. 

     Minsan nakakapikon, Kasi iba din ang paniniwala ko na kapag nag desisyon ka magpakasal eh bubuhayin mo ang pamilya mo ng hindi pag dipende sa ibang pamilya. Grabe lang, nakakasama ng loob. naguguluhan na ako. Magpaparaya nanaman ba ako? Hahayaan ko nanaman ba sila mag desisyon para sa amin para lang sa ikakapayapa ng pamilya kahit masakit?



     

3 comments:

  1. tsktsk ilipat ko nga to sa language nila hahaha ano ba sila? chinese, english? hehehe joke :p

    ReplyDelete
  2. si clyte pala to haha wala akong account dito eh :p

    yan ha nagbabasa ako hehe

    naku dapat tlga kayo yung unang magdesisyon kasi buhay nyo yan pareho :D iba lang talaga yung culture nila pero dapat mutual yung desisyon senyong 2, naks tagalog din to para hindi maintindhan hahahaha

    ReplyDelete
  3. CLYTE - Hi! sorry ngayon ko lang napansin ang comment mo. hindi ko talaga ineexpect na may mag co-comment dito. hihi. natutuwa ako ng buong galak. :)

    Hahaha. Ansha nga eh, pilit ko naman iniintindi na may culture differences lang talaga, pero para kasi na nanadya na ng bonggacious!. Hahaha. Saka akala ko kasi automatic na yun sa magulang na kapag nasa AGE na ng lagpas beinte eh alam mo yun support nalang diba? :)

    ReplyDelete