Wednesday, May 15, 2013

Election 2013 Pinas Edition.

First of all, Wala akong karapatan mag reklamo kung bakit si ganito ang nanalo at hindi si ganyan kasi I didn't vote. feeling ko kasi there's no clean politics. pero thanks to TFC and social media,  i am updated. 

Nakakaloka lang election sa pinas, for Dwijin isa itong katawatawa sa kanyang mga mata habang nanonood siya. nagkakagulo ang mga tao walang direksyon tapos nanamantala pa mag nakaw, Grabe lang! Nakakaloka. Siguro dahil nakita ko kung paano ang election dito sa bansa nila Dwij at na ico-compare ko ang system nila. Parang Suicide lang sa atin, kaya maiintindihan ko yung mga tao na umuwi na lang at ayaw bumoto.

Habang nanonood kami ng TV, nakita ni Dwij sila Erap at Gloria nagtaka sya kasi pinagkakaguluhan, tinanong nya ako kung bakit siya pinagkakaguluhan ang sabi ko tumatakbo sila, natawa ako sa reaksyon ni Dwijin kasi Gulat na Gulat talaga siya. Hindi nya lubos akalain na maari pa silang tumakbo after nila makasuhan. napailing nalang siya at tinanong ako sa qualification sabi ko basta natural born citizen, nasa age requirements saka nakaka basa at sulat. Kilala nila dito sila Estrada at Arroyo, kilalang kilala.

Napaisip ako, oo nga tama sya. dapat may police / criminal record din sila. parang normal na tao pag nag aapply ng job, kailangan ng NBI CLEARANCE, diba nga hirap magka work ang may criminal records. Dapat sa politics ganun din. inosente man o hindi, dapat patas! Ano yung exempted sila? eh dapat nga mas maraming requirements at mahihigpit na requirements kapag politics ang pag uusapan kasi mag tratrabaho sila sa ISANG MALAKING BANSA at hindi sa isang KUMPANYA lang. 

Kaloka! kaya ramdam ko ang mga kapwa ko Pilipino na naiwan sa bansang Pinas. 




No comments:

Post a Comment