Tuesday, February 21, 2012

1one-o-1one : Number 1


I asked someone if there’s any “love” problem he can share and this is what he said

“siguro ung simpleng prolema sa time
and ung pagkakaiba ng dalwang tao sa definition nila ng love
or ung timbang ng love sa bawat isa kung paano nila pinaparamdam
for exammple
para sa babae ang love sa knya dapat sobrang lambing tapos sa guy naman ang love sa kanya ang simpleng pagshare lang ng time at pagcare
ung ganun”

1)      Ang oras ay isa sa mga kontrabida sa pag-ibig lalo na kung
a)      Long Distance Relationship na salungat ang oras
b)      Nag umpisa kayo bilang isang couple as a student at ng gramaduate nakain na ng trabaho mo ang karamihan sa oras mo.

Alin ka dito???

Pero ang masasabi ko NORMAL lang ito, kasi nag a-adjust pa kayo sa isa't isa dahil sa mga bagong pangyayari sa buhay nyo na dati hindi naman ganoon. kung dati rati ay almost 24/7 kayo mag kasama pero dahil sa ano man kadahilanan trabaho man yan o kung ano pa yan eh pahirapan na ang pagkikita o pagsasama nyo tiyak pag aawayan nyo talaga ang oras. Ang TAO ay walang iisang pattern sa pag aadjust, may mga taong sobrang bilis mag adjust at may mga taong hirap humabol sa ikot ng mundo. Kahit gaano pa kahirap dapat unawain, walang tama o maling paraan. wag pilitin kung hindi kaya, pero gumawa ka ng paraan para ipaunawa sa kanya ng dahan dahan baka kasi ang ka partner mo eh hindi makasabay sa agos ng buhay nyo. alalayan mo, wag mo biglain, kung baga sa yosi unti unti mong bawasan ang paninigarilyo para dumating ang araw na matanggap ng body system mo na hindi ka na mag yoyosi. ganun din sa tao, kung oras nag problema, oras din ang solusyon dyan. 

2) Pagkakaiba ng dalawang tao sa definition ng LOVE

    Ang Love may kanya kanyang definition yan, hindi mo pwede ipilit sa karelasyon mo na eto ang definition ng love para sakin kaya eto ang sundin natin. hindi ganun. dapat, "heto ang definition ng love para sakin para maintindihan mo, eh ikaw ano ba ang definition ng love para sayo?".

  Dapat may communication kayo, kung ang definition man ng love para sa kanya ay ang pagbili mo ng pagkain para sa kanya, kahit hindi mo definition yun, yun ang dapat mong gawin at kung ano man ang definition ng love para sayo yun dapat ang dapat nyang gawin. pag usapan nyo, para maging patas ang lahat ng bagay para sa inyong dalawa "give and thank" tandaan mo na ang "PARACETAMOL ay hindi mo pwede gamitin para sa LBM"


Minsan Tayo dapat din natin isipin yung mga bagay na nagawa natin para mapaibig mo sila. kung baga yung "Ligawan" days nyo. at kung ano man yung bagay na yun na nagpatibok ng puso nya kailangan mong i maintain. kasi yun ang bagay na nag open ng puso nya para mahalin ka nya ng buo. kaya pag nawala yun unti unti din magkakaroon ng problema sa relasyon nyo. isipin mo nalang, pag nawala ba ang Susi sa kotse mo at wala kang duplicate mapapaandar mo ba siya? hindi diba? pero may m"ibang tao" na sasaklolo sayo para mapaandar ang kotse mo. ang susi ang katangian mo, ang kotse ay ang taong mahal mo at ang "ibang tao" ay ang taong eepal sa relasyon nyo. :)


Miss Taken

Andi


     


No comments:

Post a Comment