Trueeeee! Super trueeee! Mapalalake or mapa girl man given na yung pagiging SELOSA/SELOSO pero kanya kanya nga lang style yan.
May mga taong grabe magselos may mga tao naman na super tahimik lang pero deep inside ikamamatay na nila. Pero walang taong MANHID dahil lahat ng tao may emosyon.
I salute those couples na kaya I handle ang selosan moment, may konting away o tampuhan pero still hindi nila hahayaan na masira lang ng selosan ang magandang samahan.
And for those couple naman na sa sobrang selos ay nag give up nalang hmmmm…. Hindi ko alam ang dapat sabihin ko, kasi hindi naman ako yung taong nag decide na tapusin ang relasyon dahil sa selos, pero siguro ang tanong ko lang eh. Worth it ba? Napatunayan mo ba na dapat ka talaga mag selos dahil meron talaga? O lahat lang ng source ng selos mo eh mga istoryang unti unti mo ng na create sa utak mo hanggang sa na-uto ka na ng imahinasyon mo?
May mga relasyon kasing sobrang nakakapanghinayang ng dahil lang sa pagiging insekyora na tumungo sa pagseselos eh masisira ang pinag effortan nyong relasyon.
Tsk Tsk Tsk
Eh ikaw paano ka ba magselos?
No comments:
Post a Comment