Tuesday, August 14, 2012

Hagupit ni Habagat : Disiplina ang Kailangan

Last night i saw an article in a Newspaper regarding about this kapwa pinoy who got married during the Hagupit ni Habagat. It only proves that they really love each other, sabi nga nila, Blessing ang ulan. In fact, when i got married here in Singapore, umulan din PLUS may 2 rainbows na lumitaw :) 

Okay enough for some "GOOD NEWS" for my into and I am going to start the REAL SHIT here. 

Thanks to TFC at nakita ko kung gaano ka grabe ang baha na dulot ng isang MALAKAS NA ULAN. Imagine, Isa lang siyang ULAN and not a THYPOON. In fact, if you are going to compare this to Ondoy (The last thypoon / storm that i encountered in Phil before i went here in SG) eh mas malakas talaga ang dating ni Habagat. walang wala si Ondoy, Hiyang Hiya siya kay Habagat na ISA LANG ULAN.

Based on what i saw, mas worst ang Flood. yung bahay namin, yung street namin hindi yun binabaha pero according to my nanay, kaunting kaunti nalang papasukin na ang bahay namin which makes me and Dwi so worried. We keep on calling and checking them, gave tons of advice. and because of that I felt so bad because i wasn't able to check my other friends if they are still alive. (and to be frank, I am also busy here in Singapore).

Dwi and I donate some cash to our friend who held a relief operation. a small amount na we both know na big help yun for the victims. I can't even stand watching the news, nag ka trauma kasi ako because of Ondoy.

The following day, I watched Failon Ngayon, yung topic is about the recent flood. they went to some river kung saan ang daming squatter and caught in the act nga na habang nag sho-shoot sila there is someone na nagtapon ng basura sa RIVER. Ano yun? parang wala lang? sabi nga ng show, baka akala nila isang malaking dumpsite ang ilog na yun. 

I love Philippine, promise. but I can't stand what my some fellow Kababayan doing. Nung nasa PINAS pa ako, hindi naman sobrang Big Issue sakin ang pagkawalang Disiplina ng mga ibang kababayan ko. Nakakainis, OO pero wala naman ako magagawa eh, Kahit pa I'm doing my best na makatulong sa Kalinisan at Kaayusan ng bansa ko talo pa din ako ng  libo-libong Juan na walang paki alam. Parang 1 vs 100 lang ang peg. Nakakasawa pag sabihan ang mga taong hindi marunong umintindi. 

Nakakatakot na baka isang araw ang buong maynila ay lumubog nalang. mabura sa mapa. ERASE, BABUSH!. Kulang lang, ay hindi pala LANG, KULANG NA KULANG SA DISIPLINA. Totoong ang BASURA MO AY BABALIK SAYO. Nakakaasar at Nakakapikon kapag naiisip mo. 

Yung mga nasa squatter ang lagi nilang nirereklamo wala silang pera para makalipat sa maayos na lugar, kesyo mahirap sila. pero ano kinalaman nun sa simpleng pag dispose ng maayos ng basura nila? Hindi porket  mahirap sila eh hindi narin nila kayang itapon ng maayos ang basura? Mukhang lahat nalang ng bagay may dahilan sila, hindi nauubusan. Lagi nilang dahilan : MAHIRAP KAMI.

Ang daming rason, eto yung mga common na nirereklamo ng tao na gustong gusto ko sagutin.

1) sisisihin nila ang Gobyerno dahil walang enough na work. MERON NAMAN BAKA MAPILI LANG TALAGA.

2) Kulang ang kinikita pang buhay ng pamilya EH SINO BA MAY SABI NA MAG ANAK KA NG PITO?

3) Hindi ako nakapagtapos kasi wala kaming pera ASUS! BAKA TAMAD KA LANG, OR BAKA HINDI KA GANUN KA EAGER MAKAPAG TAPOS/MAKAPAG-ARAL TALAGA. KASI KUNG DESIDIDO KA GAGAWA KA NG PARAAN. PAGTITIYAGAAN MO.

For these common reasons, isa lang ang bagsak nito DISIPLINA, Hindi lahat meron. Hindi lahat ng mahihirap ang dapat sisihin, may mga mayayaman din dyan na walang disiplina puro kayabangan lang ang laman ng utak. 

May magarang sasakyan, magpapakitang gilas, Kiber sa pollution, kiber kung may naaksidente. Eh minsan nga sila din yung tapon dito, tapon dun. nasa tapat na nila ang basurahan minsan mas pinili nilang itapon sa sahig. Hindi pa nila naiisip na ang simpleng upos ng sigarilyo na tinitiktik nyo sa kalsada ay consider na pollution? 

Nakakatawa dito sa singapore, Tinagurian silang FINE CITY, lahat ng lalabagin mo may kaukulang pera na siguradong bubutas sa bulsa mo. Nabiktima na ang kaibigan ng asawa ko, dahil sa upos ng sigarilyo. sayang ang 300 Dollars nya. pero itong multa na ubod ng pagkamahal wag ka, ITO ANG KINAKATAKUTAN. sa simpleng paglabag sa batas pwede ka mabutasan ng bulsa at wallet pwede ka ring makulong. Pero walang nag rereklamo, Sinusunod at Infairness, pag may nakita silanng kapwa nila na lumalabag pinagbabawalan nila, minsan nga inaaway. Eh pag ginawa yan sa pinas, siguro isang oras palang na isasambatas madami ng mag iingay, eh baka nga sinusulat palang madami ng sisigaw na GANID ANG GOBYERNO. ibang klase talaga ang pinoy. minsan tuloy hindi ko alam kung maaawa ako o maiinis nalang.

Hindi naman dapat kasi lahat inaasa sa Gobyerno, sa Pangulo. Dapat Sarili mo Responsibilidad mo. Kaso ang nagiging sistema Sarili nila, Ipinanapa responsibilidad sa iba. 

Lahat ng ito isa lang solusyon, DISIPLINA. yun lang pero parang hirap na hirap silang gawin. Ano ba talaga ang problema mga kapwa kong pinoy? 






No comments:

Post a Comment