Friday, October 5, 2012

Let's Talk Kitty Talk : Alert! Daming Plastic sa Paligid

Imbyerna! Yan ang laging nararamdaman ko kapag nakakasalamuha ko ay isang PLASTIK NA TAO. 
yung tipong kahit naiisip ko palang yung taong yun o naiimagine ko palang ang pagmumukha ng taong yun eh talagang naiirita ako ng buong puso at buto.

Nanginig ang buong katawan ko kapag sobrang halatado na ang pagkaretoke ng ugali ng isang tao, ewan ko ba kung bakit ganun nalamang ang nararamdaman ko. Siguro, dahil mabilis ako magtiwala sa kahit kaninong tao, kahit bagong kakilala palang. dahil naniniwala ako na kung ano trato ang gusto mo na gawin sayo ng mga bagong tao sa buhay mo dapat ganun din ang trato na ibigay mo sa kanila. Give and take lang yan, kung baga Buy one take one. Kaya naman sobrang pag dismaya talaga ang nararamdaman ko kapag ang taong pinagalayan ko ng tiwala eh binabasura lang talaga ang lahat. Pwe!

Minsan iniiisp ko ano ba dapat ang gawin ko para maayos ang lahat ng bagay na gumugulo sa buhay ko dahil lang sa pag kaplastik ng isang taong malaking parte sa buhay ko, yung tipong kahit anong gawin ko, hindi siya mawawala talaga sa buhay namin o buhay ko. madami ng suggestion ang umabot sa akin, may nag sabi pa nga na dahil ako ang nakakabata eh dapat ako ang magparaya, ako ang humingi ng SORRY. pero iniisip ko naman, ano ba ang dapat ika hingi ko ng tawad kung wala naman ako maisip na ginawa ko para ma agrabyado sila, ano nga naman ang magagawa ko masama kung nananahimik lang ako sa isang tabi.

Hindi ko kayang sikmurain ang pag ako sa isang bagay na wala naman ako kinalaman,kung isa lang akong biktima ng isang taong makasarili at isang taong mahilig umeksena sa buhay ng may buhay. May limitasyon ang pagpapakumbaba ko, hindi sa lahat ng oras ako lagi ang bababa (lakas maka alien) para lang maayos ang mga gusot sa paligid, kung lagi ganun ang eksena ko, aabusuhin naman ako ng mga nilalalang naka kamag anak ni orocan.

Hindi ako hihingi ng tawad kung hindi bukal sa puso ko, hindi retokada ang ugali ko. isa lang akong salamin na ni re-reflect lang ang mga bagay na ginawa mo. hindi ko kayang mag kunwari, tatawa ako kung nakakatawa, malungkot ako kung malungkot, galit ako kung galit at higit sa lahat, iiyak ako kung pakiramdam ko sobra na.

Alam ko naman, hindi lang ako nakaka experience ng ganitong klaseng pakikitungo ng ibang tao. madami din diyan na biktima lang ng sugo ni orocan. kaya ang mapapayo ko nalang sa mga kapwa ko biktima. kung kayang tiisin at manahimik nalang, gawin. pero kung sa tingin mo sobra na kausapin. pero syempre dipende yun sa sitwasyon.

Haaaay. Sana matapos na ang lahat ng nakabinbin na ganap sa buhay ko upang matapos na din ang ganitong eksena.


-----------------------------------------------------------------------------------------------------------
AndiChat is a Frustrated Filipina Tryinghard Blogger. A self acclaimed poor in English and Grammar person based in Singapore.

For more information, questions and suggestions you can email me at andichat12@gmail.com

you can also support me with my dreams by following me here in my blog. that you can find on the left side of my page. (Readers!) :))


No comments:

Post a Comment