This BLOG ENTRY is dedicated to :
1) Married people (like me)
2) Engaged (Basahin mo ito para alam mo ang pinapasok mo)
3) Sa Mag PRO-PROPOSE (Ihanda mo ang sarili mo tol)
4) Nangangarap ng MAKAPAG-ASAWA (Masaya lang talaga mag imagine, mag imagine ka nalang muna)
5) SINGLE (Ang swerte lang!)
Sabi nila, sobrang aga ko nag-asawa o sa salitang kalye eh, LUMANDI. madami ngang lumabas na accusation na BUNTIS ako, kaya sobrang napabilis ang pag aasawa ko, lalo na ang napangasawa ko ay bago ko palang kakilala. but i managed to proved na ang PREGNANCY ISSUE eh puro kaimbentuhan lang ng mga tao sa paligid ligid.
Nainlove ako eh, Inalok ako ng kasal. choosy pa ba?. I love Dwi and I'm afraid to lose him that's why, when we decided to get married natakot ako na kapag tumanggi ako, baka pumanget ang relasyon. OO, madaming eeksena dyan na, "IF HE LOVES YOU, HE WILL UNDERSTAND YOU AND HE WILL WAIT FOR YOU. " leche, tantanan nga ako, hindi lahat ng lalake ay pare-pareho, hindi lahat ng pananaw nating maganda ay tumutugma sa realidad ng buhay. Ikaw, bet mo ba iwan ka ng taong sobra mong mahal? Afford mo yun?
Anyway, aware naman ako na ang pag-aasawa ay hindi fairytale na ke-ganda ganda ng eksena, para itong TELESERYE na sumasalamin sa tunay na buhay. May taong nagmamahalan at may mga taong mahilig umeksena, parang si Margarette sa Walang Hanggan. HAHAHA. Alam ko naman na hindi lang ako ang natatanging babae na nararanasan ang hagupit ni habagat sa buhay, dahil kung ako lang ang nakakaranas eh talaga naman na napakamalas ko talagang nilalang at ipatatanggal ko na talaga ang balat ko sa pwet.
Kaya sa may mga asawang katulad ko at sa mga taong kaka I DO palang. Welcome sa buhay na inihantulad sa Rollercoaster. yung iba panigurado sanay na sa mga bagong pag didiskubre sa katangian ng asawa nila, pero yung mga bagong recruit dyan (lakas maka frat) masasanay din kayo, basta tatagan nyo lang ang loob nyo, pangaralan kung maari, ituro ang tama at mali. para lang yan training sa pag aalaga ng anak. Mag-usap kayo ng mga bagay na gusto at ayaw nyo, para naman magkaintindihan kayo at pareho kayo maka pag adjust.
Sa mga taong ENGAGED na, iba ang buhay ng mag jowa sa buhay mag live-in at buhay mag asawa. Tandaan, ang buhay pag-aasawa ay hindi parang isang kanin na kapag napaso eh iluluwa. dapat pag napasa, buksan mo lang ang bibig mo tapat mo sa electrict fan para lumamig, pero wag na wag mo iluluwa. dahil, ng mag desisyon ka na pakasalan siya eh, nag desisyon ka na hindi ka na titingin sa iba. Siya na ang huling taong jojowain mo, huling taong liligawan mo, huling taong susuyuin mo pag nagtampo siya sayo, WALA NG IBA. kasi kaya nga KASAL eh. KAsama mo SA Lahat. (Akalain mo yun nagawan ko pa ng acronyms) sa hirap at ginhawa, lahat ng desisyon nyo dapat mutual kasi kayo ay iisa na.
Sa mga lalakeng mag pro-propose palang, Siguraduhin mo na siya na talaga ha. Masakit kasi yung aalukin ka ng kasal ayun pala hindi rin sa simbahan ang tuloy, hindi rin pala siya ang makakasama mo sa pagharap sa altar. Wag ganun! Kung desidido ka na sa isa, edi go! wag ka aatras, pero kung hindi pa buo ang loob mo at nag aalinlangan ka pa, wag na wag ka mag pro-propose dahil masaya ka lang. Pakiramdaman mo ang sarili mo, wag ka paasa effect, kung ayaw mo maisumpa sa ilalim ng buwan.
Sa mga Nangangarap na makapag-asawa na tanungin mo din ang sarili mo kung handa ka na minsan kasi sa kapapangarap mo akala mo lahat maganda. kala mo lahat masaya. kala mo lahat madali lang. maganda naman yang motivation sa buhay kaya lang pag nasobrahan tapos hindi pala maganda ang kinalabasan pagkatapos mong pumirma eh masasaktan ka lang ng bongga. Take your time pa to find the one for you pero wag mo alisin sa isip mo na lahat ng tao ay hindi perperkto, may mga tao dyan na 30 na pero asal 7 years old pa din, pero hindi ko pinariringgan si Dwi. mahaba pa ang buhay, wag ka pressure kahit na naunahan ka pa ng pamangkin mo mag ka-asawa.
Sa mga single, kung feeling nyo malas kayo, pwes hindi totoo yan. masarap kaya maging single. madami kang bagay na magagawa at mabibili ng walang inaalala na ibang tao. kahit pa gumala ka ng gumala at umuwi ka ng 9 ng umaga wala kang asawa na magbubunganga sayo, ang nanay at tatay mo lang ang mag sasabi sayo na "anak, tama na yan" wala ka ng ibang tao iintindihin at uunawain mo, kahit mangulekta ka pa ng I phone at ng kotse ay jusko magagawa mo yan, mas madami kang freedom, magpakasasa ka hanggang kaya mo para kapag nag desisyon ka na mag asawa eh wala ka ng masaydong luho at pa teen ager ang peg.
Naway' nagustuhan nyo ang aking mga tips sa pag aasawa. kung may alam pa kayo na tips eh ieksena nyo na dito.
Salamat
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------
AndiChat is a Frustrated Filipina Tryinghard Blogger. A self acclaimed poor in English and Grammar person based in Singapore.
For more information, questions and suggestions you can email me at andichat12@gmail.com
you can also support me with my dreams by following me here in my blog. that you can find on the left side of my page. (Readers!) :))
For more information, questions and suggestions you can email me at andichat12@gmail.com
you can also support me with my dreams by following me here in my blog. that you can find on the left side of my page. (Readers!) :))
No comments:
Post a Comment